Bilang ng mga fireworks-related injuries, umakyat na sa 52

Umakyat na sa 52 ang naitalang bilang ng fireworks-related injuries sa bansa.

Ayon sa Department of Health, dalawampu’t apat sa mga kaso ay naitala nitong Pasko hanggang kaninang umaga.

Mula sa nabanggit na bilang, 20 kaso ay mula sa Metro Manila, 6 sa Central Luzon, at 5 sa Soccsksargen.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Lima naman sa mga kaso ang humantong sa pagkaputol ng daliri at kamay ng mga biktima dahil sa paggamit ng iligal na paputok katulad ng boga, pla-pla, five-star, at goodbye Philippines.

Ang mga biktima ayon sa DOH ay nasa pagitan ng 5 at 52 taong gulang.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa huli, ipinaalala ni DOH Usec. Eric Tayag sa publiko na iwasan na ang magpaputok.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Tayag – sinabi niyang umaasa ang kagawaran na hindi na tatataas pa ang bilang ng fireworks- related injuries hanggang sa pagsalubong ng bagong taon kumpara sa naitala ngayong taon na mahigit 300.