Mga hakbang para sa mas ligtas na Bagong Taon, kasado na sa Bulacan

Doble effort ngayon ang probinsya ng Bulacan para matiyak ang pagsunod ng mga tao sa “Oplan Ingat Paputok.”

Ayon kay Bulacan Governor Daniel R. Fernando, handa na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), at ang Bulacan Medical Center.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sinabihan na rin daw ang Bulacan Police na ipagpatuloy at palakasin ang kanilang pagsugpo laban sa ipibnagbabawal na paputok, gaya ng smuggled pyrotechnics para sa ligtas na Bagong taon.

Nai-deploy na aniya ang karagdagang mga tauhan para matugunan ang problema kaugnay ang illegal na vendors na nagbebenta ng nakamamatay na uri ng firecrackers.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Samantala kahapon, nagsagawa ng field inspection sa mga police stations sa mga bayan ng Bocaue, Obando, Santa Maria, Norzagaray, Angat, Bustos, at sa mga bayan ng San Jose Del Monte, at Baliwag.