Nagpapatuloy ang scouring at pursuit operations ng militar laban sa mga tumakas na miyembro ng New People’s Army matapos ang encounter sa Can-ayan sa Malaybalay, Bukidnon.
Ayon kay 4th Infantry Division (ID) public affairs office (PAO) chief Major Francisco Garello Jr., base sa kanilang assessment, umalis na o wala na sa lugar ang mga miyembro ng CPP-NPA terrorist.
Dahil sa pagkasawi naman ng 9 na miyembro nito, naniniwala ang militar na humina na ang pwersa nito sa Bukindon.
Sinabi pa ni Major Garello, na hindi pa naibababa ang 9 na casualties na kinabibilang ng 6 na lalaki at tatlong babae.
Pag naibaba aniya ang mga ito , tutukuyin ang kanilang pagkakakilanlan saka ipapaalam sa kanilang pamilya.