Bilang ng Delta variant sa Camarines Norte nananatili sa 35 at 7 naman ang Beta batay sa pinakahuling Biosurveillance Report ng DOH

CAMARINES NORTE- Nananatili ang bilang ng variants of concern sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa pinakahuling Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) as of Ocotber 27, 2021.

Mayroong 35 kabuuang bilang ng Delta variant ang naitala sa lalawigan.

Ang mga ito ay nagmula sa Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Habang ang mayroong mga kaso naman ng Beta variant ay sa Daet, Jose Panganiban, San Vicente at Sta Elena.

Ang naturang variants of concern ang sinasabing isa sa nagging dahilan ng paglobo ng mga kaso ng sakit sa lalawigan nitong mga nagdaang araw.

Dahil naman sa pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 bahagyang magluluwag ng restriction sa probinsiya simula sa November 1 at balik na rin sa Modified General Community Quarantine.

Lumuwag na rin ang mga ospital mula sa pagiging high risk noong nagdaang mga buwan.

Sa pinakahuling healthcare utilization rate ng Department of Health (DOH), sa 174 na kamang inilaan para sa COVID dito sa probinsiya ay 31. 8% ang nagamit o mayroon pang 120 beds na available.

Nasa low risk din ang isolation beds sa 38. 8 %, gayundin ang Covid ward beds sa 22. 9 %.

Walang naitalang pagamit sa  ICU beds at mechanical ventilators.

Sa kabila nito, paulit- ulit pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na huwag maging kampante at patuloy na sundin ang Minimum Health standard kontra COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *