Bilang naitalang dengue cases sa bansa, sumipa ng higit sa 90%

Aabot ng hanggang siyamnapung por siyento ang inilobo ng mga naitalang kaso ng dengue sa bansa.

Sa National Dengue Data na ipinadala ng Health Department sa Viber, sinabi ritong umabot sa 64,797 ang mga dengue cases mula January 1 hanggang June 25 ngayong taon.

Halos doble ito sa dengue cases na naitala noong 2021 sa kaparehong period.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Sa bilang na ito, 274 ang binawian ng buhay – pinakamataas nong Mayo na mayroong 63 mga fatalities.

Pinakamaraming bilang ng nagkadengue ay noong May 29 hanggang June 25 na sumipa sa 21,115.

Central Luzon pa rin ang mayroong nangungunang dengue cases sa 3,902.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Bago ito, una nang iminungkahi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na dapat nang i-review muli ang paggamit ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Solante na napapanahon na para magkaroon na rin ng preventive measure kontra dengue ang Pilipinas lalo na’t ang bansa lang natin ang walang aprubadong bakuna kontra rito.
#