Bike Patrol ng Rizal PPO, bibida sa mga kalsada ng Rizal

Bibida sa mga kalsada sa probinsiya ng Rizal ang bike patrol ng Rizal Police Provincial Office.

Ayon sa Rizal PPO, gamit ang bisikleta, ang kapulisan ay mag-iikot sa mga simbahan, palengke, at terminal upang ipakita ang kanilang alerto at patuloy na presensya para labanan ang krimen at katiwalian.

Ito’y naglalayong mas pabilisin ang pagresponde ng kapulisan lalo sa mga lugar na hindi madaling maabot mga sasakyan.

Iikot din ang mga pulis gamit ang bisikleta sa mga lugar na matatao katulad ng mga simbahan, palengke, at mga terminal.

Inaasahan naman magiging malaki ang epekto nito sa pagbaba ng krimen at mas magiging malakas ang ugnayan ng mga kapulisan sa komunidad. (BRIGADA INTERN – ANGELINE MESINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *