Song Joong Ki, excited na makita ang kanyang second baby

Nasasabik ang Hallyu star na si Song Joong Ki at ang kanyang asawa na dating British actress na si Katy Louise Saunders sa pagdating ng kanilang pangalawang anak.

Ibinahagi nga ng couple na magkakaroon na sila ng second baby – bagay na kinumpirma na rin ng Korean agency ng aktor.

Kasalukuyang tinututukan ni Katy ang kanyang prenatal care habang naghahanda siya para sa pagsilang ng pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

Samantala, matapos manatili ang mag-asawa sa Italy kasunod ng pagsilang ng British actress sa kanilang first child, nakabalik na sila sa Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *