Big-time na naman ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula bukas.
Sa abiso ng mga kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petron, Petro Gazz, Seaoil at Cleanfuel, magkakaroon ng dagdag presyo na P1.00 sa kada litro ng gasolina, P0.65 sa kada litro ng diesel, at P0.70 sa kada litro ng kerosene epektibo simula alas-6:00 bukas ng umaga.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo na may oil price hike sa bansa.
Paliwanag ng mga taga-industriya, patuloy na humihina ang palitan ng piso kontra dolyar habang umaakyat naman ang demand o pangangailangan ng langis sa Amerika, Europa at China, kaya’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Samantala, dahil sa magkakasunod na linggo ng oil price hike, mula June 1, umabot na sa P2.25 kada litro ang kabuuang dagdag sa presyo ng gasoline, P2.05 ang kabuuang dagdag sa diesel at P1.85 kada litro naman sa kerosene.