Bigong pag-aresto kay Quiboloy, maituturing nang ‘failure of intelligence’ ng PNP – Sen. Risa

Maituturing na umanong ‘failure of intelligence’ sa parte ng Philippine National Police (PNP) ang bigong paghahanap kay Apollo Quiboloy.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Senadora Risa Hontiveros, sinabi nitong ‘pugante’ si Quiboloy kaya dapat na talaga itong matunton agad ng mga pulis.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Idiniin din ng mambabatas na batid na ng lahat na may private army si Quiboloy.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa harap aniya nito, bakit daw nagbubulag-bulagan ang PNP.

Sa huli, sinabi ng opisyal na nananalig siyang tinutupad pa rin ng PNP ang kanilang tungkulin sa mga kaso pang-aabuso ni Quiboloy.