Hindi nakikita ng Department of Trade and Industry ang pangangailangan na maluwagan pa lalo ang COVID-19 Alert Level 2.
Inihayag ito ni DTI Secretary Ramon Lopez nang matanong ito tungkol sa proposal na bawasan ang required na distancing sa mga establishimyento mula one meter papuntang 0.75 meters.
Ipinunto ni Lopez na kinokonsidera na nila ito lalo na para sa dining establishments.
Iginiit ng kalihim na bukas sila sa ganitong proposal sapagkat matataasan nito ang operating capacity ng retail stores.
Gayunman, sinabi ni Lopez na wala naman silang natatanggap na malaking reklamo sa ngayon dahil nakabalik na sa mga negosyo ang 80% ng kanilang pre-pandemic customers.
