Biden, balik trabaho na matapos gumaling mula sa COVID-19

Balik trabaho na si US President Joe Biden matapos lumabas ang dalawang negative COVID-19 tests, at hindi narin umano ito kailangang isolate, matapso makarekober mula sa COVID-19.

Ayon kay presidential physician Kevin O’Connor, natapos narin umano ni Biden ang buong Paxlovid therapeutic.

Kaugnay nito, mismong ang US President ay nag-tweet ng kanyang negative result, at sinabing “back to the Oval [Office].”

Matatandaan na noong nakaraang linggo, nang kumpirmahin ng administrasyon na nakaranas ang pangulo ng mild symptoms, at patuloy na nagtatrabaho, habang naka-isolate.

Samantala, sinabi ng O’Connor, na ngayong nasa labas na ng isolation si Biden, ay magsusuot parin ito ng mask sa loob ng 10 araw kapag may mga kausap, at patuloy rin na magtetest para sa virus, bilang precaution sa posibleng “rebound.”

Si Biden ay 79-anyos na, na siyang pinakamatandang pangulo sa US, pero ayon sa physician nito, generally in good health pa ito.