Nagbabala ang China na haharapin ng Washington ang lahat ng posibleng consequences, sakaling bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, sa harap ng tumataas na tensyon bago ang inaasahang phone call sa pagitan ng mga lider ng dalawang bansa.
Mababatid na bumuwelta ang Beijing laban sa United States, matapos lumabas ang mga ulat na si Pelosi, ang Democrat na second in line sa presidency, ay bibisita sa self-ruled island ng Taiwan sa Agusto.
Ang potential visit ay tila pag-dominate sa phone call sa pagitan nina Chinese President Xi Jinping at US counterpart Joe Biden, na una nang sinabi ng US leader, na asahang mangyayari ito ngayong linggo.
Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang global superpowers ay patuly na bumabagsak, sa ilalim ng presidency ni Biden, dahil sa mga isyu na kinabibilangan ng Taiwan, human rights at technology sector competition.
Samantala, lalong tumaas ang air incursions ng China malapit sa Taiwan ngayong taon, sa harap ng pagsisikap ng Beijing na ma-isolate ang isla sa international stage.
