Patuloy na nakaka-apekto sa lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 975 km Silangan ng Basco, Batanes.
Ang Southwest Monsoon naman ay nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Binabantayan din ng PAGASA ang TROPICAL CYCLONE sa labas ng PAR na nasa 1,915km silangan ng Northern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas na 55 KM/H at pagbugsong umaabot sa 70 KM/H habang kumikilos sa pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 KM/H.
Ang Bicol Region, Aurora, Quezon, Bataan at Zambales ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at LPA.
Habang ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaron ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na dulot naman ng Southwest Monsoon / Localized Thunderstorms.