Bicolano Topnotcher sa Midwife Licensure Exam

CAMARINES SUR- Napatalon, napahiyaw, at napaiyak sa saya si Judah Paulo Espero  ng Camarines Sur Polytechnic College Nabua nang makita ang resulta ng April 2024 Midwife Licensure Exam, nasungkit ang pagiging Top 1 sa average na 91.70%.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Espero, sinabi nitong pinag-igihan niya sa pag-aaral, kasama ang disiplina sa oras upang makasama sa Top 10 kaya labis-labis pa ang tuwa na hindi lamang kasama kundi pinakamataas pa.

Housewife ang ina habang nasa Armed Forces of the Philippines ang ama, plano nitong umakyat pa sa kursong medisina at tahakin ang pagiging doktor. Ninais din ng ama nito na pumasok  sa parehong laragan ang anak pero ayon kay Espero, nakita niya kase ang pangangailangan ng serbisyo medikal sa komunidad.

Payo nito, mag set ng goal , sundin ang plano upang maging abot kamay ang pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *