BNFM BICOL— Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magsimula ang pandemya ay walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region sa loob ng isang araw, batay sa inilabas na report ng DOH kahapon araw ng Biyernes.
Basado sa ulat ng ahensya, walang naidagdag sa kabuuang 58,926 na mga naitalang kaso ng sakit sa rehiyon ngunit nadagdagan ng 77 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 52,904 na ang mga naitatalang recoveries.
Isa naman ang naidagdag sa mga nasawi kung kaya’t nasa 2,166 na ang death toll ng COVID-19 sa Bicol.
Sakabila ng tuluyang pagbaba ng mga nairerehistrong kaso ng sakit sa rehiyon, patuloy naman sa paalala ang health department sa mga Bicolano na panatilihin pa rin ang ibayong pag-iingat kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapa bakuna at palagiang pagsunod sa mga umiiral na minimum public health standards.###