BICOL—Umaabot na sa kabuuang 1,003,834 doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Bicol region. 812,341 doses o 81% nito ay naiturok na sa iba’t-ibang priority groups.
Base sa pinakahuling Vaccine Statistics ng DOH Bicol Center for Health Development (CHD), 601,033 nito ay naibakuna sa first dose habang 211,308 ang sa second dose.
Sa kabuuan, umaabot na sa 446,049 ang completely vaccinated. Maliban kasi sa 211,308 na nabakunahan ng second dose, mayroon ding 234,741 na mga naturukan ng one dose Janssen vaccine.
Pinakamarami ang completely vaccinated sa A2 priority groups o mga senior citizen na umaabot sa 195,400.
Sumunod dito ang mga nasa A1 category o mga health workers na nasa 125,448; A3 o individuals with comorbidity na may 111,867; A4 o mga uniformed personnel na may 12,045 at other priorities na may 1,289 na completely vaccinated individuals.
Samantala, ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamaraming vaacine allocation na umaabot sa 323, 876 doses; sumunod ang Albay na may 251, 482; Masbate 140,050; Sorsogon 133,908; Camarines Norte 86,262 at Catanduanes na may 68,256 doses ng natanggao na COVID-19 vaccines.### || slm