NAGA CITY- Kinulang ng biyahe ang Bicol Central Station patungo sa Maynila nitong nagdaang araw, Enero 2, 2023.
Sinabi ni Terminal Manager Nonoy Reforsado , umabot sa 15,000 ang tumungo sa terminal. Nagkulang ng 13 trips dahil sa dagsa ng pasahero mula sa iba’t-ibang bayan. May mga bus terminals sana ang ilang bayan sa Camarines Sur pero naubos din ang bus kaya dumagsa lalo sa nasabing terminal sa lungsod.
Patuloy ang pakikipag coordinate ni Reforsado sa mga bus companies sa dagdag na allocations ng bus dahil inaasahang marami pa rin ang pasahero hanggang sa Enero 6, 2023 at posibleng sa susunod pang linggo.
Naniniwala rin ang Terminal Manager na walang nakalusot na mga colorum na nag pick-up ng pasahero sa paligid ng terminal dahil sa CCTV at katuwang na mga otoridad.