Business One Stop Shop sa bayan ng Mercedes umarangkada na

CAMARINES NORTE- Umarangkada na ang Business One Stop Shop  (BOSS) simula kahapon sa bayan ng Mercedes na naglalayong mapadali ang proseso sa renewal at application ng business permit.

Sa BOSS ay nagsama- sama ang iba’t- ibang ahensiya na may kinalaman sa Business Process Licensing upang mas mapadali ang pagre- renew ng mga may ari ng negosyo na nakapwesto ngayon sa Jimmy P Lo Sports Compex.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kabilang sa mga participating agencies ay ang Bureau of Fire Protection, Department of Trade and Industry, Negosyo Center, Bureau of Internal Revenue, Municipal Engineering Office, Municipal Health Office, Municipal Agriculture Office, Municipal Health Office, Municipal Assessor Office at iba pa.

Tatagal ang BOSS hanggang Enero 20 kung kailan walang penalty sa hanggang sa nabanggit na petsa.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Papatawan naman ng 25 percent penalty charge ang mga magre- renew simula Enero 21.

Nananawagan  ang LGU sa lahat ng mga business owner na mag secure na  agad ng permit para iwas multa.