School based vaccination muling gagawin sa Camaligan, Camarines Sur

NAGA CITY – Muling magsasagawa ng COVID-19 School Based Vaccination Program ang Municipal Health Office ng Camaligan, Camarines Sur sa kabila ng mababang demand ng mga nagpapabakuna lalo na sa 5 hanggang 11 taong gulang.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Dr. Nonoy Severo, Head ng MHO ng bayan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, kahit ayaw nang magpabakuna ng marami patuloy pa rin ang nagiging Vaccination Program sa bayan lalo na’t may COVID-19 pa rin at sapat naman ang supply ng bakuna.

Katunayan bago ang Holiday Season nagsagawa pa sila ng School Based Bakunahan sa ilang paaralan, ang 5 hanggang 11 taong gulang na kategorya kasi ang may pinakamababa pang porsyento na nasa 61% pa lamang ng mga bata ang nababakunahan laban sa sakit. Malaking hamon at patuloy na ginagawan ng paraan ng naturang opisina lalo pa’t ngayon inaasahan ng Department of Health ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang naging Holiday Season.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ngayon matapos na gumaling na ang dalawang tinamaan ng sakit.