BI – naniniwalang ‘national security concern’ ang tumataas na bilang ng mga dayuhang may pekeng PH document

Binigyang-diin ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na isang ‘national security concern’ ang isyu hinggil sa pagdami ng mga foreigners na nahuhulihang naghahawak ng pekeng Philippine documents.

Ayon kay Sandoval, matagal na nilang ipinapaalam ang usaping ito.

National security concern aniya ito dahil hindi lang iisa ang nahuli ng ahensya.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa mga nagdaan umanong mga taon, 10 na ang nahuli nilang mga dayuhang may pekeng dokumento; at nakahuli rin sila ng tatlo pa noong nakaraang linggo.

Matatandaan na noong nagdaang Huwebes, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na natagpuan nila ang halos dalawan-daang mga birth certificates na iniisyu sa mga dayuhan ng civil registry sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Karamihan umano sa mga ito ay Chinese.

Bagaman hindi nagpapatupad ng mas pinahigpit na restrictions, sinabi ni Sandoval na nakakikita sila ng clues ng ‘red flags’ na nakatutulong sa kanila para mahuli ang mga pekeng Pinoy.