BI, inaasahang papalo sa 50K ang bilang ng mga arrivals para sa Holy Week

Tinataya ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 50,000 travelers na darating sa Pilipinas para sa Holy Week.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, na sa ngayon, mayroon silang naitatalang 36,000 departures at 30,000 arrivals araw-araw.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Samantala, bilang paghahanda naman para sa summer season, hindi muna papayagan ang mga frontliners ng BI na mag-leave para sa mga buwan ng Marso at Abril.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Kaugnay nito, inasatan narin umano nila ang mga terminal at airport terminal heads na i-maximize ang manpower at tutukan ng maigi ang pila. //MHEL PACIA-TRINIDAD