BFAR namahagi ng mga bangka sa sampung benepisyaryo sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Namahagi ng sampung unit ng bangka ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mahihirap na mangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte nitong Miyerkules, Hulyo 13, 2022.

Pinangunahan ni OIC Regional Director Nelson Bien at Provincial Fishery Officer Rolando Tiam ang pamamahagi ng mga bangka sa sampung benepisyaryo na ginanap sa BFAR Provincial Office, Mercedes, Camarines Norte.

Nagsilbing panauhin si Governor Ricarte “Dong” Padilla at Mercedes Mayor Alexander Pajarillo.

Sa kaniyang mensahe hinimok ni RD Bien ang mga benepisyaryo na pahalagahan at ingatan ang mga ibinibigay na tulong ng gobyerno.

Hiningi rin nito ang tulong ng mga benepisyaryo para sa pangangalaga ng karagatan siya rin ng mga itong ikinabubuhay.

“Yan ang hinihingi lang ng BFAR sainyo, tulungan niyo ang BFAR, papano natin mapanatili ang resources o mapalago lalo ang mga nasira nang corals mapa- rehab natin sa pamamagitan ng pag- conserve, pag protekta natin na hindi na tuluyang masira.”

Ipinaalala naman ni PFO Tiam sa mga benepisyaryo ang kanilang responsibilidad  sa tulong na ipinagkaloob ng gobyerno.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Matibay umano ang mga bangka at tatagal ng maraming taon kung iingatan at gagampanan ang responsibilidad ng mga benepisyaryo alinsunod sa nakapaloob sa Memorandum of Agreement.

Ang 22 footer na mga ipinamigay na bangka ay mayroon nang makina at ang counterpart ng benepisyaryo ay ang katig ng mga ito.

“Counterpart na ninyo yan, ibig sabihin para meron din kayong responsibilidad na gagawin diyan sa inyong bangka kasi po napagtanto namin nung mga unang pagkakataon, unang pamimigay namin, pag binigay na sasakay na lang ang problema pag nasira pupunta kay BFAR sasabihin sir nasira po yung bangka namin pakipaayos naman po, ibig sabihin walang responsibility, walang sense of responsibility yung beneficiary na nakakauha.”

Ayon naman kay Governor Padilla magiging masaya ang Provincial Government kung ang mga benepisyaryo ay magiging katuwang sa pagsugpo ng mga iligal na gawain.

Inanunsiyo rin ng Gobernador na mahigpit na ipapatupad sa lalawigan ang total ban sa buli- buli at hinimok ang mga benepisyaryo na ipaabot sa kaniyang opisina kung mayroon pa ring mga nag- ooperate.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Hindi lang aniya operasyon ng buli- buli ang nagsisilbing pahirap sa mga mangingisda kundi ang dynamite fishing.

Alam niyo po ngayon maaaring ang ilan sainyo nagrereklamo, ang hirap na nang panghuhuli, sa tabing dagat o sa gitna ng dagat dahil  maraming nag iiligal, kumbaga inaagaw sainyo yung lugar ninyo dapat, dahil yung  mga malalaking pamamalakaya lumalapit dito sa loob at kayo ang nawawalan,” ani Padilla.

Laking pasalamat naman ng mga benepisyaryo sa ipinagkabloob na bangka na malaking tulong umano sa kanilang kabuhayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet  kay Tatay Pedro Creo ng Sabang Vinzons, hindi nito maitago ang saya sa itinuturing niyang malaking biyaya.

Aniya sa hirap ng buhay ngayon mahirap makabili ng sariling bangka at mapalad aniya siya dahil isa siya sa sampung maswerteng napili.

Abot langit din ang pasasalamat ni Arnel Barrameda ng Barangay Cayucyucan, Mercedes.

May apat itong anak na pinapaaral at ang kaniyang misis ay kalalabas lang ng ospital.