Batang may TB sa Naga City, dumarami

NAGA CITY –Dumarami ang mga bata sa Naga City na nagkakasakit ng tuberculosis mula sa dalawang taon hanggang hanggang sa 15 taong gulang batay sa naitatala ng TB-DOTS Center, Enero hanggang Hulyo ngayong taon 2024, ayon kay Delmari Bernardetta Novelo, registered nurse at NTP Nurse Coordinator.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa kaniyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Novelo na ang mga batang ito ay kabilang sa 653 pasyenteng under medication nila na may natatanggap na libreng gamot sa loob ng anim na buwan at hanggang sila ay gumaling.

Read More:  ₱700K worth of unregistered Korean luncheon meat seized in Cebu City

Ang mga batang ito ay mga estudyante kaya lagi silang pinaalalahanan ng mga dapat gawin lalo pa at nakikihalubilo sila sa paaralan at sa barangay na puwedeng lumala ang sakit nila at makahawa pa.