BFAR hindi nakikitang magkakaroon ng kakulangan ng supply ng isda sa buong bansa dahil sa oil spill sa Mindoro

Walang nakikitang magiging kakulangan ng supply ng isda dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa pagbanggit sa datos ng Philippine Statistic Authority, sinabi ni DA-BFAR spokesperson Nazario Briguera , na ang Oriental Mindoro ay umaabot lamang sa 3,119.04 metric tons ng isda ang supply na nakuha mula sa kabuuang 4,339,888.75 metric tons ng produksyon ng isda sa bansa noong 2022.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim
Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Gayunpaman, nhindi isinasantabi ng ahensya ang epekto sa kapaligiran ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Nauna nang nakapagbigay ang DA-BFAR ng P19.1 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan sa mga apektadong mangingisda.//CA