BFAR Bicol, patuloy sa pagsasanay sa mga fisherfolk para walang masayang sa kanilang mga huli

BNFM BICOL ā€“ PATULOY sa pagsasagawa ng pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol para sa mga fisherfolk organizations sa rehiyon kaugnay sa post-harvest technologies at financial literacy.

Ayon sa tagapagsalita ng BFAR-Bicol na si Rowena Briones, by batch ang ginagawa nilang skills training kung saan nitong lamang nagdaang linggo, sumailalim dito ang Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Mandaon Masbate habang itinakda ang parehong pagsasanay para sa mga fisherfolks sa bayan ng Sipocot at lalawigan ng Camarines Norte sa Hunyo 20-21 ngayong taon.

Sa pamamagitan umano nito, matitiyak na walang masasayang sa harvest ng mga ito dahil kung may sobra, maaaring gamitin ng mga ito ang mga kaalaman at kasanayan pagdating sa food processing and preservation. Mayroon din kasing hands-on training sa paggawa ng fish products gaya ng fish nuggets, “fish turon” at “fish longganisa”.

Ipinakilala rin sa mga fisherfolks ang Fish Nā€™ Learn, na isang financial literacy game na nakadisenyo para mapa unlad ang kanilang kasanayan pagdating naman sa usapin ng pagpa plano at pananalapi. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *