Mahigit 20 mga MSMEs sa Bicol, itinampok sa PROPAK ASIA 2024 sa bansang Thailand

BNFM Bicol-ITINAMPOK sa katatapos lang na PROPAK ASIA 2024 na ginanap sa Bangkok International Trade and Exhibition Centre sa bansang Thailand ang mga produkto at serbisyo ng mga bicolano.  

Kasama ng 24 na MSMEs delegates ng Bicol ang Department of Trade and Industry Region V  na kung saan ay binubuo ng Food, Non-food, at Fabrication Laboratories mula sa mga probinsya ng  Albay, Camarines Sur, at Camarines Norte. 

Ang ProPak Asia ay isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang international trade show and event na kung saan nagsisilbi itong natatanging plataporma para sa isang diynamiko at isang magkakaibang komunidad sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga industriya kabilang ang pagkain, inumin, parmasyutiko, kosmetiko, at iba pa.

Tampok rin dito ang mga ipinagmamalaking produkto ng rehiyong Biol kagaya ng Pili nuts at iba pa. ### KENNETH BERMIL

Image: DTI Region V Bicol/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *