𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Himas-rehas ang isang negosyante sa lalawigan ng Cagayan matapos itong ma-aresto ng mga awtoridad dahil sa iligal na droga sa Brgy. Leonarda, Tuguegarao City, kahapon, October 11.

Aabot sa P98,800 na halaga ng droga ang nasamsam mula sa suspek na kinilalang si alyas “Orlan”, 34 anyos, at residente ng Peñablanca, Cagayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM, nahuli si Orlan matapos siyang magbenta ng tinatayang 700 grams ng marijuana.

Nakumpiska rin mula rito ang limang pakete ng ng hinihinalang shabu, isang sachet ng higit kumulang sampung gramo ng marijuana, buy bust money, cellphone, at isang motorsiklo.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang suspek na itinuturing ding High Value Individual at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.