Bentahan ng kamatis sa Naga City, matumal

NAGA CITY – Matumal ang bentahan ng kamatis sa Naga City People’s Mall dahil na rin sa magkailang rason at mga bagay na nakakaapekto sa kalidad at supply nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Joy Arejola, manininda ng kamatis sa NCPM, sinabi nitong sobrang hina ng bentahan ng kamatis dahil sa pagsirit ng presyo nito sa P120.00 bawat kilo. Idagdag pa ang kaunting supply nito ngayong tag-ulan at hindi magandang kalidad ng produkto na siyang mas nagpatumal ng bentaha. Aniya, kung noon nakakabalik pa ang pinupuhunan para sa paninda, ngayon halos pati ang kanyang savings ay nagagalaw na para lang may maipuhunan ulit sa paninda.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ipinaliwanag naman ni Hilario Romero, Municipal Agriculture Officer sa bayan ng Pasacao na tuwing tag-ulan, normal na humihina ang supply ng kamatis dahil tapos na ang season nito kapag pumasok na ang rainy season. Normal din na hindi gaanong maganda ang kalidad nito lalo na kung nasobrahan na ito sa pagtatransport galing sa ibang lugar.