Posibleng produksyon ng pulang sibuyas sa Bicol, pinag-aaralan ng DA

BNFM BICOL – PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Agriculture (DA) Catanduanes Hilly Upland Development Station (CHUDS) ang posibleng produksyon ng pulang sibuyas sa rehiyon.

Pahayag ni CHUDS Superintendent Dean Medrano na nagsimula na ang ahensiya na magsagawa ng demonstration at promotion noong buwan ng Mayo kung saan tinitingnan at inaalam nila ang adaptability ng iba’t ibang uri ng sibuyas at pati na rin ang kakayahang kumita nito sa rehiyon.

Inaalam din nila kung ano ang mas angkop na uri ng sibuyas sa agro-ecological condition ng Bicol at maging hanapbuhay ito ng mga magsasaka sa Catanduanes.

Ang DA CHUDS ay isang agricultural research center at isa sa mga sites ng technology demonstration ng pag-aaral na ito, layunin nila na isulong ang sustainable agro-industrial growth sa Catanduanes. # # # Pauline Manga, Intern

Photo from Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *