Bello, nagdadalawang isip kung tatakbo sa 2022 elections

Tinitimbang ni Labor Secretary Silvestre Bello II ang mga options nito para sa posibleng pagtakbo sa 2022 elections.

Una nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo ni Bello bilang senador.

Ayon kay Bello, bagama’t ito ang gusto ng Pangulo, ay kailangan niya munang ikonsidera ang kanyang kalusugan lalo na at 77-anyos na siya.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Inihayag ito ni Bello sa isang panayam nang matanong kung ano ang kanyang political plans matapos mapaulat na may mga fake accounts ang humihingi ng donasyon para sa umano’y senatorial bid ng kalihim.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Nagbabala naman si Bello sa publiko na mag-ingat mula sa mga indibidwal na gumagamit ng fake accounts para mag-solicit ng pera para sa kanyang kandidatura sa eleksyon at donasyon para sa community pantries.