Bea Alonzo inamin muntik na silang maghiwalay ng bf na si Dominic Roque

Inamin ni Bea Alonzo na muntik na silang maghiwalay noon ng boyfriend na si Dominic Roque.

Kuwento ni Bea sa youtube vlog ng socialite na si Small Laude, naging malaki ang papel ni Dominic para maisalba ang kanilang relasyon sa pagkakataong iyon.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Inamin din ni Bea na nagkaroon siya ng trust issues bago sila naging magkarelasyon ni Dominic buti na lamang daw at hindi siya sinukuan ng kasintahan.

Read More:  Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan hosts’ remarks about son Josh

Dalawang taon na ang relasyon sina Bea at Dominic noon lamang January 2023.//CA