Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasamang namasyal sa California

Ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang ilang mga happy moments nila ng kaniyang nobyo na si Dominic Roque habang sila ay nasa California, USA.

Sa vlog ng aktres, ay makikita ang ginawa nilang restaurant hopping kung saan ay nasubukan nila ang iba’t-ibang mga pagkain gaya ng tacos, crabs, at pati na rin ang anago o salt water eel.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Bukod sa kanilang food trip, ay bumisita rin ang dalawa sa sikat na beaches ng California, at sa iba’t-ibang mga tindahan.

Read More:  Robi Domingo confirms reconciliation with John Lloyd Cruz

Bago pa man mai-post ni Bea ang kanilang pagbabakasyon sa California, ay ipinasilip niya na ito sa mga litrato nila sa Instagram.

Matatandaan na kinumpirma ni Bea ang kanilang relasyon ni Dominic nitong Agosto lamang.