Bagong gobernador ng NY, suportado ang mandatong masks para sa mga mag-aaral

Suportado ni incoming New York Governor Kathy Hochul ang mandatong face masks para sa mga mag-aaral.

Naniniwala si Honchul na mahalagang safety step ito para malampasan ang bagong wave ng COVID-19 infections.

Kaugnay nito ay inihayag ni National Institutes of Health Director Francis Collins na nangyayari ang outbreaks sa mga paaralan dahil sa hindi pagsusuot ng mga bata ng face masks.

Dahil diyan ay napipilitan aniya ang mga estudyante na bumalik sa distance learning.

Samantala, inaasahan naman na mauupo sa pwesto si Hochul ngayong buwan kung saan ay inaasahan na kukumpletuhin niya ang unexpired term ni Andrew Cuomo, na bababa sa pwesto matapos matuklasan ng state attorney general na sangkot ito sa sexual harassment ng 11 kababaihan.