Inanusyo ni Kapuso actress at box-office star Bea Alonzo ang kanyang engagement sa boyfriend na si Dominc Roque.
Ayon kay Bea, naganap ang proposal sa isang resort habang palubog na ang araw kaya nagpadagdag ito ng romantic feeling sa newly-engaged couple.
Nagpatulong naman si Dominic sa mga kaibigan at katrabaho ng kanyang fiancé na palabasing magshu-shoot lamang ang aktres sa lugar.
Laking gulat na lang daw nito na nakaluhod na si Dominic sa kanyang likod na para rawng tumigil ang oras sa mga sandaling iyon.
Matatandaang maraming ng spekulasyong kumakalat na engaged na ang dalawa noong nakaraang buwan, ngunit agad itong tinanggi ng Kapuso actress dahil mayroon silang mga sari-sariling timeline.
Photo from Bea Alonzo’s Official Facebook Page
