Patay ang 34 katao habang 12 naman ang naitalang sugatan matapos ang nangyaring banggaan sa Algeria.
Nangyari ang insidente bandang alas-4 ng umaga sa Tamanrasset City na may 1,500 km ang layo sa south Capital ng Algeria.
Ayun sa fire service ng bansa, nagmula ang insidente ng banggaan sa pagitan ng kotse at ng isang bus na agad namang lumiyab at naging sanhi ng pagkamatay at pagkasunog ng 34 katao.
Ayon sa mga otoridad, madalas mangyari ang ganiton aksidente sa bansa kaya’t pinayuhan nila ang mga residente na maging maingat sa pagmamanaho.
