Bayan ng Daraga unang munisipalidad na idineklarang ASF free sa lalawigan ng Albay

BNFM BICOL—Masayang ibinalita ni Daraga, Albay –Mayor Vic Perete na ang kanilang bayan ang pinaka unang munisipalidad na idineklarang ASF Free sa buong lalawigan ng Albay.

Ayon sa alkalde, mula sa RED ZONE o “Infected Zone” ay nasa PINK ZONE o “Buffer Zone” na ang zoning category ng kanilang bayan batay na rin sa Guidelines on the Recovery and Declaration of Freedom from African Swine Fever ng lokal na pamahalaan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat ang alkalde sa Municipal Agricultures Office dahil umano sa pagsusumikap nito na maging ASF Free ang bayan ng Daraga.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Matatandaang nitong 2021 ay kabilang ang naturang bayan sa mga tinamaan ng ASF kung saan daang baboy ang isinailalim sa depopulation habang naghigpit naman ang LGU sa pagpapasok ng mga pork meat products upang mapigilan ang paglaganap ng swine virus.###