CAMARINES NORTE- Zero active case na muli sa COVID-19 ang bayan ng Daet na syang nangunguna sa may pinakaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte
Sa pinakahuling report Daet IMT na may petsang March 09, 2022, Nasa low risk area na ng COVID-19 cases ang kanilang 25 Barangay
Kung matatandaan una ng nagdeklara ng Zero active case status ang naturang bayan nitong February 26 ngunit muling nakapagtala ito ng 1 aktibong kaso nitong March 03
Sa ipinalabas na datus ng emergency operations Center mas lalo pang bumagal sa 0.6% ang average daily attack rate ng COVID-19 sa naturang bayan
Umaabot na sa 1,272 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit habang umabot sa 68 ang mga nasawing positibo sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable
Ito ay mula sa 1,340 total cases ng COVID-10 na naitala sa naturang bayan
Wala na ring under monitong ang EOC sa kasalukuyan
Samantala, Sa summary of COVID-19 cases per Barangay , pinakamaraming kasong naitala ang Brgy Camambugan na may 130, sinundan ito ng Lag-on na nakapagtala ng 124 at Magang na umabot sa 106 ang Covid-19 cases
