Pagsasagawa ng Voters’ Education sa buong bayan ng Basud tinapos na ng Comelec

CAMARINES NORTE – Halos dalawang buwan bago ang halalan sa Mayo ay natapos na ng Commission on Elections ang pagsasagawa ng Voter’s Education and Information Dissemination sa buong bayan ng Basud.

Ayon kay Election Officer III Virgilio Veras napuntahan na nila ang 29 na barangay sa naturang bayan upang ipaalam sa mga tao ang mga dapat gawin pagsapit ng araw ng election.

Read More:  20 Chinese nationals held in Davao anti-illegal mining ops

Partikular na dito ang health protocols na dapat sundin ngayong nasa gitna ng pandemya gaganapin ang halalan.

Binisita rin ni Veras ang mga gagamiting eskwelahan o polling places sa kada barangay upang alamin kung ano pang mga paghahandang dapat gawin.

Kabilang sa mga inalam ay ang lakas ng signal sa lugar para masiguro na walang magiging problema sa pag transmit ng resulta sa consolidated canvassing system ng Municipal Board of Canvasser.

Read More:  Nearly 700 topless violators recorded in Davao City in one week

Nagsagawa rin umano ng pakikipag ugnayan ang Comelec sa mga opisyal ng Barangay at sa mga school heads.

Mayroong 51 clustered precinct ang bayan ng Basud  na may mga nakatalagang medical personnel.

Mayroon ding isolation area kung saan naman boboto ang mga mayroong sintomas ng COVID- 19.