Naga City, may pinakamataas na vaccine percentage accomplishments sa mga lungsod sa Bicol sa nagdaang NVD 4

NAGA CITY-  82% ng target bakunahan sa Naga City ang naabot nitong National Vaccination Days 4 , pinaka mataas ito sa lahat ng lungsod sa Bicol Region base sa tala ng Department of Health Bicol.

Dahil dati nang mataas ang vaccination rate ng lungsod; 2, 268 ang overall target mula Marso 10 hanggang Marso 12, 2022. 1, 854 dito ang nabakunahan. 85% ang naabot sa 2nd dose, 92% sa 1st dose habang 59% sa booster shots.

Read More:  Father dead, teen daughter hurt in Talisay computer shop shooting

Samantala, 47% naman ng target sa Camarines Sur ang nabakunahan pangalawa sa Catanduanes na matagumpay na nabakunahan ang 51% ng kanilang target.

Read More:  Journalist, cultural workers, allegedly in peasant work, among killed in Negros clashes

Batid ng DOH na marami na ang hindi nagpapabakuna dahil halos wala nang naitatalang COVID-19 cases, tulad ng sinabi ni DOH Camarines Sur Officer Dr.  Rey Millena, sinabi ni Dr. Monrey Isiah Mancilla ng DOH Bicol na dahil nga ito sa bakuna kaya mahalagang tumanggap nito.