Bayan ng Barcelona at Matnog, nakipag-MOA sa NFA para itataas ang presyo ng pagbili ng palay sa mga magsasaka

Pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) ang lokal na pamahalaan ng Barcelona at Matnog, Sorsogon sa Natl Food Authority (NFA) upang itaas ang presyo ng pagbili ng palay sa mga magsasaka.

Ang MOA ay sa ilalim ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Gov’t Units (PALLGU).

Sinabi ng NFA-Bicol Information Officer na si Jaharah Shyrra Pavilando, naglaan ang kanilang ahensya ng P6.5M para sa palay procurement program ng rehiyon.

Sinabi nito na itinaas ng NFA ang pagbili ng dry palay mula sa P19 sa P23.00 at sa wet palay naman ay mula sa P16 sa P19.00.

Dahil sa kasunduan sa PALLGU ang bayan ng Barcelona ay magdadagdag ng P3.00 bawat kilogram at ang bayan ng Matnog ay magdadagdag ng P1.00 kada kilogram.

Kabilang din sa kasunduan ay ang lalawigan ng Camarines Norte na may dagdag na P5.00 kada kilo, kaya mula sa P23.00 ay magiging P28.00 kada kilo habang ang Malinao, Albay ay magdadagdag ng P2.50 kada kilogram.

Batay sa talaan ng NFA, ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Sorsogon at Albay ay ang may pinakamalakingdami ng biniling palay sa rehiyon sa buwan ng Setyembre.

Hinikayat ng NFA-Bicol ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani ng palay sa NFA upang maidagdag sa buffer stock ng bansa, lalo na sa panahon ng kalamidad at emerhensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *