Bato sa mga kritiko ng medical marijuana: Ikonsidera mga pasyenteng nangangailangan nito

Binigyang diin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagdinig ng Senate committee on health and demography na naiintindihan niya ang takot ng mga opisyal ng gobyerno kaugnay sa posibleng pag-abuso, sakaling maisabatas ang pagpapahintulot ng medicinal marijuana.

Pero sa gitna nito, umapela si Dela Rosa sa kanila, na buksan ang kanilang mga puso at isip para bigyan ng pagkakataon ang naturang panukala.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon kay Bato, na ang mga tutol sa panukala na gawing legal ang marijuana para sa curative use, ay kailangang ikonsidera ang benepisyo nito para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binigyang diin pa ng senador na sa halip na tutulan ang Senate Bill No. 230, kailangan gumawa ang mga kritiko at regulatory agencies ng gobyerno ng paraan para matugunan ang posibleng pag-abuso sa panukalang batas.

Mababatid na tinatalakay na ngayon sa Senado ang Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines. //MHEL PACIA