Miss Germany Jasmin Selberg, itinanghal na Miss International 2022

Sa 66 na magagandang kandidata na nag-agawan para sa 60th Miss International crown, si Jasmin Selberg ng Germany ang itinanghal bilang bagong reyna sa grand finals ng pageant sa Japan ngayong araw.

Nanalo naman si Miss Camo Verde bilang 1st runner-up, 2nd runner-up si Miss Peru, 3rd si Miss Colombia, at 4th spot si Miss Dominican Republic.

Pinangalanan din ng Miss International ang mga nanalo ng mga special prizes:

Nanalo si Miss Uzbekistan ng Best in National Costume

Si Miss United Kingdom ng Best in Swimsuit

Si Miss Peru ng Best in Evening Gown

Si Miss Ecuador ay Most Photogenic

Si Philippine bet Hannah Arnold ay pumasok sa  kompetisyon hanggang sa Top 15. Nauna siyang nagpahanga sa kanyang Maria Clara national costume, ang kanyang figure-hugging na nakasisilaw na evening gown, at berdeng one-piece swimwear para sa swimsuit competition.

Mula sa 66 na magagandang babae, mabilis na naputol ang kompetisyon sa Top 15, at pagkatapos ay sa Top 8.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati pa rin ang Binibining Pilipinas Charitites, Inc. (BPCI) para sa semifinal finish ng 26-anyos na si Hannah.

Si Miss International 2016 Kylie Verzosa ang huling Pinay titleholder ng Miss International.