Hinamon ni Senador Ronald Bato Dela Rosa ang kanyang mga kapwa mambabatas na sumama sa kanya para puntahan ang mga liblib na lugar lalo na sa mga kabundukan.
Ito ay upang malaman umano ng mga ito kung gaano kalaki ang pasasalamat ng mga residente sa mga Barangay Development Program (BDP) projects ng pamahalaan sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ginawa ni dela Rosa ang pahayag matapos sabihin ng mga kasama niya sa Senado na hindi sila nasisiyahan sa performance ng NTF-ELCAC kaya binawasan ang budget nito ng 24-billion pesos.
Ayon kay Bato tuwing senate break ay sumasama siya sa mga pulis at sundalo doon na nagmo-motor paakyat sa kabundukan na hindi na naa-access ng gobyerno at nakikita niya yung programa ng NTF-ELCAC.
Kung gusto umano ng ilang mambabatas na makita ang konkretong accomplishment ng ahensiya bakit hindi nito tanungin ang mga lugar na ‘cleared’ na mula sa mga salot na New Peoples Army.