Bato-Go caravan, sisimulan na ngayong linggo – PDP-Laban

Hindi babawiin ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kanilang Bato-Go tandem, bago ang deadline para sa posibleng substitute ng political candidates sa susunod na buwan.

Ayon kay ruling party secretary general Melvin Matibag, sisimulan na ng faction ang kanilang caravan para sa presidential aspirant na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at vice presidential aspirant Sen. Christopher Bong Go ngayong linggo.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Matibag para sa initial campaign, pero sinabing titindig sila sa kanilang dalawang kandidato, at pinaghahandaan na ang iba pang mga developments na maaring mabuksan hanggang sa November 15.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Dagdag nito, handa ang grupo para sa anumang posibilidad, gaya sa nangyari nang ibasura ni Go ang nominasyon sa kanya na maging standard bearer.

Samantala, abangan nalang umano ang pag-anunsyo ng partido para sa kompletong listahan ng kanilang senatorial line-up para sa 2022 elections. //MHEL PACIA-TRINIDAD