Ilang mga jeepney drivers, patuloy ang pag-aray sa mataas na presyo ng petrolyo

Batangas City – Patuloy na umaaray ang mga jeepney drivers sa Batangas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Ka Romeo Macailao, ang presidente Batangas Confederation of Jeepney Drivers and Operators Association, malaking porsyento ng kita nila ay napupunta lamang sa diesel.

Aniya, hindi lamang ang mga drivers ang apektado nito, ngunit pati rin ang mga presyo ng bilihin sa palengke, dahil sa mataas na singil sa transportasyon.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Ka Romeo na hindi sila basta-basta maaaring magtaas ng pamasahe sa jeep dahil ito ay regulated ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.