Batangas, nagpaabot ng mga coconut plucked sa Lubao, Pampanga vs oil spill

BATANGAS CITY – Nagpahatid ng mga coconut plucked o mga bunot ng niyog ang lalawigan ng Batangas katuwang ang Provincial Agriculture Office sa Lubao Bamboo Hub and Eco-Park, Sta. Catalina, Lubao, Pampanga noong July 30, 2024.

Magsisilbi itong panangga sa oil spill na dulot naman ng lumubog na barkong MT Terranova sa Bataan.

Kabilang din sa nakiisa rito sa pangangalap ng bunot ay ang Philippine Coconut Authority, Municipality of San Juan, at ang Provincial Engineering Office.

Matatandaan na lumubog ang barkong MT Terranova nitong July 25, 2024 sa Limay, Bataan na nagdulot ng oil spill at kasalukuyan nang apektado ang ilang baybayin sa lalawigan ng Cavite.