DOTr, iginiit na hindi kailangang isuspinde ang PUV modernization program

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na kailangang ihinto ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program matapos ang inihaing resolusyon ng Senado.

Ayon kay DOTr Undersecretary Andy Ortega, sapat na rason ang pagkakaroon ng 83% na nationwide consolidation rate upang hindi ipatigil ang programa.

Read More:  4th Atin Ito Coalition civilian mission in the WPS declared successful

Dagdag pa nito na sa daan-daang kooperatiba, dalawang grupo na lang ang natitirang hindi sumama sa consolidation.

Tinugunan din ni Ortega ang financing concerns na nakasaad sa senate resolution, at sinabing humiling na ang DOTr ng mas malaking budget na P2.9 bilyon para sa equity subsidies.

Read More:  DSWD meets TNCs for assistance rollout

Nakikipagugnayan na rin aniya ang ahensya sa iba pang financial institutions upang handa silang makapagbigay ng karagdagang tulong sa mga transport cooperatives at corporations.