Batangas City LGU, nakatanggap ng parangal dahil sa husay ng pagbibigay kaalaman ukol sa HIV.

Tumanggap ng parangal ang lokal na pamahalaan ng Batangas City hinggil sa husay sa pagbibigay kaalaman ukol sa human immunodeficiency virus (HIV).

Ito ang ‘Outstanding Achievement in Community’ Award na iginawad ng Communities Operationalizing People-centered HIV Response (COPE HIV).

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Natanggap ng Batangas City ang naturang pagkilala at parangal dahil sa kanilang walang kapantay na commitment sa pag-promote ng iba’t-ibang HIV responses nang walang diskriminasyon.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Partikular na tinukoy ang suporta ng lungsod sa Equality Desk.

Bukod naman dito, nakatanggap din ang pamahalaang lungsod ng Plaque of Appreciation para sa makabuluhan pakikipagtulungan sa COPE HIV.