Mga aktibidiad hinggil sa 36th National Disaster Resilience Month, inilatag ng Batangas CDRRMO.

Inilatag na ng Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang mga isasagawang aktibidad kaugnay sa paggunita at pag-obserba sa 36th National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.

Una sa listahan ang road safety seminar para sa mga tricycle at jeepney drivers sa lungsod sa July 12.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Magdaraos din ng First Aid & Basic Life Support Training sa mga CDRRMC members sa July 15.

Bukod sa Emergency Medical Responder Training, nakatakda din silang magsagawa ng Nutrition symposium, at mga pagsasanay hinggil sa Family Disaster Management at Hazard & Risk Assessment.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Layon ng nabanggit na mga aktibidad na higit na palakasin ang kahandaan at katatagan ng lungsod sa pagharap at pagtugon sa ibat-ibang kalamidad.

Ang National Disaster Resilience Month ay may temang “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan”.