Hindi umano totoo na may batang nasa pangangalaga ng PNP matapos matagpuan ito sa bayan ng Cabangan, Zambales.
Ito ang nilinaw ni Cabangan MPS Chief Pmaj. Anthony Berdonar, matapos na may nagpost sa isang social media group ng larawan ng batang lalaki na umanoy natagpuan sa bayan at nasa pangangalaga na ng PNP.
Ayon kay Berdonar, sa kanilang imbestigasyon ay kaduda-duda ang profile ng nag-post at may nakita rin umano silang kaparehong post sa ibang social media group.
Paalala ng hepe sa publiko, maging maingat sa pag-share ng mga impormasyong nakikita sa social media kung wala naman itong kumpirmasyon sa mga otoridad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO